--Ads--

Posibleng mapatawan ng sanction ang Filipina tennis star na si Alexandra “Alex” Eala matapos nitong piliing unahin ang 2026 Asian Games kaysa sa WTA 1000 China Open.

Sa ilalim ng WTA rules, mandatory ang paglahok sa China Open para sa mga kwalipikadong manlalaro, kabilang si Eala na kasalukuyang world No. 18, maliban kung mabigyan ng exemption.

Dahil dito, nakikipag-ugnayan ang Philippine Tennis Association o PHILTA sa WTA para sa waiver ni Eala, na nakatakdang katawanin ang Pilipinas sa Asian Games sa Japan.

Magtatapat ang schedule ng dalawang torneo, dahil gaganapin ang Asian Games mula Setyembre 19 hanggang Oktubre 4, habang ang China Open ay mula Setyembre 30 hanggang Oktubre 11.

--Ads--

Kapag hindi nakalahok sa mandatory event nang walang exemption, maaaring mawalan ng ranking points si Eala at mapatawan ng hanggang 75-thousand US dollars na multa dahil kabilang siya sa world ranking 11 hanggang 20.