--Ads--
Sisimulan ni Alex Eala ang kampanya sa WTA 1000 Italian Open sa Rome sa pakikipagharap kay Magdalena Frech ng Poland sa opening round.
Ang mananalo ay uusad sa second round laban kay Wang Xinyu ng China, na may first-round bye. Kasalukuyang naghahanda si Eala upang makabawi matapos ang sunod-sunod na maagang paglabas sa mga nakaraang clay tournaments tulad ng Stuttgart, Madrid, at Linz Open.
Kapag nanalo, posibleng makaharap muli ni Eala si Wang, na tumalo sa kanya sa ASB Classic semifinals noong Enero.
Makakasiguro rin si Eala ng hindi bababa sa 15,815 euros o mahigit P1 milyon sa pagpasok pa lamang sa main draw.
--Ads--











