Umarangkada sa semifinals ng 20th Asian Games Aichi-Nagoya 2026 si Filipina tennis ace Alex Eala matapos talunin si Chinese-Taipei’s Joanna Garland, 7-5, 6-0, sa quarterfinals nitong Miyerkules sa Higashiyama Park Tennis Center.
Nahirapan si Eala sa unang set matapos siyang maungusan ni Garland, 4-3 at 5-4, bago niya nabawi ang momentum at itabla ang laban sa 5-all. Nakuha rin niya ang kasunod na game para sa 6-5 lead bago tuluyang selyuhan ang unang set.
Pagdating sa second set, tuluyang kontrolado ni Eala ang laban at nagtala ng 6-0 sweep para makuha ang panalo.
Dahil dito, tiniyak ni Eala ang hindi bababa sa bronze medal finish para sa Pilipinas at muling nakapasok sa semifinals ng Asian Games matapos ang kanyang Final Four appearance sa Hangzhou noong 2023.
Makakaharap naman ni Eala sa semifinals si Wang Xiyu ng China para sa puwesto sa finals.










