--Ads--

CAUAYAN CITY- Nakatuon ngayon ang atensyon ni Cauayan City Mayor Ceasar “Jaycee” Dy sa mga kawani ng LGU matapos maobserbahan ang ilan na iba-iba ang ginagawa sa oras ng trabaho.

Binalaan ni Mayor Dy ang lahat ng empleyado dahil madalas umano niyang mapansin na iba ang inaatupag ng ilan sa mga empleyado.

Hindi naman aniya papakialaman ang lahat kung hindi sila nakaduty o kaya naman ay nasa labas ng kani-kanilang opisina ngunit kung nasa loob na aniya at oras ng trabaho ay dapat nang atupagin ang pagsi- serbisyo.

Wala namang binanggit ang Alkalde kung anong departamento o ahensya ang kanyang naobserbahan.

--Ads--

Ayon pa sa Alkalde, ipinatupad na ng pamahalaan ang apat na araw na pasok sa trabaho upang may pagkakataon ang mga LGU employees na mag relax  sa oras ng kanilang bakasyon at upang maging maganda ang work load, ngunit dismayado ngayon ang alkalde sa ilan na nakikita niyang tila iba ang prayoridad

Kaugnay nito, nakiusap ang alkalde sa mga empleyado ng gobyerno na seryosohin ang kanilang trabaho.

Umaasa naman ang pamunuan ng Pamahalaang Lunsod ng Cauayan na ito na ang una at huling babala.

Pinayuhan din ng alkalde ang lahat ng Department heads na bantayan ang kanilang mga kasamahan upang bukod sa paggamit ng cellphone ay trabaho ang kanilang aatupagin.