--Ads--

CAUAYAN CITY – Naghain ng petisyon ang mga miyembro ng League of Governors in the Philippines sa region 2 para hilingin na payagan na ang angkas sa motorsiklo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Governor Rodito  Albano ng Isabela, sinabi niya na nagpadala sila kahapon ng kanilang petisyon sa Inter-Agency Task Force (ATF) at lilinawin nilang mabuti kay kalihim Eduardo Año ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga guidelines sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) pangunahin na ang tungkol sa angkas sa motorsiklo.

Nagkausap na  sila ng mga kapwa niya gobernador sa rehiyon dos at hindi rin maliwanag sa kanila ang guidelines ng IATF sa angkas.

Ayon kay Gov.  Albano, masyado nang nahihirapan ang mga mamamayan kaya huwag na sanang dagdagan pa.

--Ads--

Malaking tulong sa kanila kung papayagan na ang angkas sa motorsiklo lalo na ang mga miyembro ng pamilya.

Ang pahayag ni Gov. Rodito Albano