--Ads--
Isinilang na ni Hollywood actress Anne Hathaway ang kanyang ikatlong anak sa asawang si Adam Shulman.
Lumitaw ang ulat matapos makunan ng mga larawan si Hathaway habang naglalakad sa New York City, kasama ang kanyang newborn na nakalagay sa baby carrier.
Ang umano’y pagsilang sa kanyang ikatlong anak ay kasunod ng isang abalang taon para sa aktres, na naging bahagi ng ilang pelikula gaya ng The Odyssey, Verity, The Devil Wears Prada 2, Mother Mary at The End of Oak Street.
May dalawa nang anak na lalaki sina Hathaway at Shulman na sina Jonathan at Jack. Ikinasal naman ang mag-asawa noong 2012.
--Ads--






