Kinondena ng House prosecution panel ang pahayag na maaaring “honest mistake” ang pagdedeklara ni Vice President Sara Duterte sa GenCorp. Industries Inc. bilang business interest sa kanyang SALN.
Ayon kina House prosecutor Joel Chua at prosecution panel adviser Robert Ace Barbers, dalawang magkasunod na taon na idineklara ni Duterte ang GenCorp. at dati na rin niyang inilista ang mga kumpanyang naging predecessors nito.
Iginiit ni Chua na kuwestiyonable rin ang sinasabing kawalan ng involvement ni Duterte sa kumpanya dahil sa P33-milyong transaksyon ng GenCorp. sa Davao City government at sa testimonya na nakatanggap siya ng P2.1 milyon na return of capital.
Samantala, sinabi ni Barbers na hindi maituturing na simpleng pagkakamali ang paulit-ulit na pagdedeklara sa kumpanya.
Nakatakdang ipagpatuloy sa Nobyembre 19 ang impeachment trial, kung saan magpapatuloy ang depensa sa paglalahad ng kanilang mga ebidensiya.











