--Ads--

Inaasahang mananatiling mahina ang kumpiyansa ng mga mamimili na posibleng magpabagal sa paggastos ng mga pamilyang Pilipino sa 2027, ayon sa BMI, isang unit ng Fitch Solutions.

Batay sa pagtaya ng think tank, posibleng 2.8% lamang ang itala ng household spending growth sa susunod na taon, na kabilang sa pinakamabagal na paglago mula nang matapos ang pandemya.

Bagama’t inaasahang susuporta sa purchasing power ng mga pamilya ang matatag na labor market at pagtaas ng tunay na sahod, patuloy namang magiging hamon ang mataas na presyo ng mga bilihin, kawalan ng katiyakan sa ekonomiya, pagtaas ng unemployment at paghina ng piso.

Tinataya rin ng BMI na aabot sa 5.4% ang inflation sa 2027, na posibleng magbunsod sa mga mamimili na ilaan ang mas malaking bahagi ng kanilang kita sa pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan.

--Ads--

Dagdag na pabigat din ang mataas na pagkakautang ng mga sambahayan at gastos sa pagbabayad ng utang, na inaasahang maglilimita sa paglago ng paggastos ng mga Pilipino.