--Ads--

CAUAYAN CITY- Natrap ang apat na katao sa hinuhukay nilang butas sa Magsaysay Hills, Bambang, Nueva Vizcaya.

Kabilang sa mga pumasok sa butas si Brgy. Kagawad Marlon Orden, 38 anyos matapos marinig ang paghingi ng tulong ng mga nasa butas.

Matapos hindi na nakaahon, sumunod na bumaba sa butas si Marlon Siopon, tatlumput dalawang taong gulang na nawalan din ng malay dahil sa masangsang na amoy na kalaunan ay napagtantong methane gas.

Agad namang nagsagawa ng rescue operation ang mga otoridad upang maiahon ang mga biktima matapos silang mawalan ng malay sa ilalim ng butas na tinatayang may lalim na 10.5 meters.

--Ads--

Sinisikap naman ng Bombo Radyo Cauayan na makipag-ugnayan sa mga kinauukulan kung ano na ang naging lagay ng mga biktima matapos na sila ay maiahon at madala sa pagamutan.