--Ads--
Nasawi ang apat na katao matapos bombahin ng Israeli Forces ang isang sasakyan sa border ng Lebanon at Syria ayon sa Lebanese Ministry of Public Health.
Naganap ang air strike nitong madaling araw ng Lunes sa Majdal Anjar, Lebanon kung saan ang isa sa mga nasawing biktima ay isang Syrian national na pinangalanang si Khaled Mohammad al-Ahmad.
Ayon sa Israeli Military, puntirya sa nasabing pag-atake ang umano’y mga myembro ng Palestinian Islamic Jihad (PIJ) isa Lebanon.
Ang PIJ ay isang armed group sa Palestinian territory na katuwang ng Hamas sa Gaza sa pagtatayo ng Palestinian state. Kaalyado rin ito ng Lebanese armed group na Hezbollah na nagsagawa ng pag-atake sa northern Israel.
--Ads--






