--Ads--

Iginiit ni Army Colonel Manaros Boransing II na walang confidential funds mula sa Department of Education (DepEd) na natanggap ang kanilang unit para sa pagsasagawa ng walong Youth Leadership Seminar sa ilang lalawigan sa Mindanao noong 2023.

Inilahad niya ito bilang prosecution witness sa ika-20 araw ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Boransing, nagsagawa sila ng Youth Leadership Seminar kasama ang DepEd, ngunit wala siyang alam kung saan nagmula ang pondo para sa mga gastusin ng naturang aktibidad.

Aniya, DepEd lamang ang nagbigay sa militar ng impormasyon tungkol sa mga paaralan at iskedyul ng mga estudyanteng lalahok.

--Ads--

Samantala, isa si Boransing sa mga opisyal ng militar na nag-isyu ng military certifications noong Enero 2024 sa kahilingan ni dating DepEd Undersecretary Michael Poa, na nagsisilbi ngayong defense counsel ni Duterte.

Ipinaliwanag ni Poa na hiniling niya ang certifications bilang tugon sa mga tanong ng Commission on Audit o COA tungkol sa P15.5 milyong confidential fund ng DepEd na ginamit para sa rewards sa mga informant.

Gayunman, sinabi ni Boransing na hindi niya alam na gagamitin ang kanyang certification bilang dokumentong magpapatunay sa naturang gastusin at hindi rin niya nabasa ang mga dokumento ng COA.lugar at nagkaroon ng abala sa daloy ng trapiko.