--Ads--

Naghain ng kasong kriminal ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa asawa at anak ni dating Anakalusugan party-list representative Michael Defensor kaugnay ng umano’y sex trafficking at pag-iingat ng ilegal na droga.

Ayon sa NBI, kabilang sa mga inireklamo sina Julie Rose Defensor at Miguel Gabriel Defensor, na umano’y mga opisyal ng isang kumpanya na sangkot sa operasyon ng prostitusyon sa Pasig City.

Sa ulat ng ahensya, lumalabas na posibleng may kinalaman ang naturang kumpanya sa mga aktibidad na may kaugnayan sa sex trafficking, habang nadiskubre rin umano ang pag-iingat ng ilegal na droga sa isinagawang imbestigasyon.

Patuloy pang iniimbestigahan ng NBI ang kaso habang isinasailalim sa legal na proseso ang isinampang reklamo laban sa mga naturang indibidwal.

--Ads--