Isang lalaki mula Wisconsin ang nagmaneho nang halos buong bansa sa gitna ng malakas na snowstorm para muling makapiling ang aso niyang nawala apat na taon na ang nakalipas sa Philadelphia.
Ayon sa Animal Care & Control Team of Philly, may aso na dinala kamakailan bilang ligaw at agad na sinuri gamit ang microchip.
Lumabas sa microchip na siya si Cipi, ang aso na naiulat na nawawala sa parehong lugar apat na taon na ang nakalipas.
Ang may-ari ni Cipi, si Leovigildo Ramirez, ay lumipat na sa Wisconsin matapos mawala ang alaga. Sa kabila ng masamang panahon, nagmaneho siya nang 16 na oras pabalik sa Philadelphia para muling makuha si Cipi.
Kwento ni Ramirez, tumakbo palayo si Cipi noong 2022 habang nagdadala sila ng mga grocery papasok sa bahay. Patuloy niyang ina-update ang microchip ng aso sa pag-asang muling matatagpuan ito.





