CAUAYAN CITY– Naglabas na ng notice ang Australian government na sisismulan na sa February 5, 2021 ang vaccination program para sa COVID-19..
sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Denmark Suede, nurse sa Sydney, Australia sinabi niya tinatayang nasa 678 na katao ang mababakunahan sa phase 1 habang nasa anim na milyon naman sa phase 2 ng vaccination program.
Prayoridad sa phase 2 ang mga frontliners, health workers,immigration at nursing home resident habang sa Phase 3 ay mga bata na 16 anyos pababa.
Aniya, puntirya ng australian government na matapos ang vaccination program sa buwan ng Oktubre 2021 at ang gagamitin ay ang I-norder na 10 million dosses Pfizer vaccine ng para sa limang milyong populasyon habang ang nalalabing populasyon ay gagamit ng bakuna na gawa ng Novavax at Astrazeneca.
Ayon pa kay Suede karaniwan pa rin sa sinasabing adverse effect ng COVID 19 vaccine ay ang pagkakaroon ng lagnat at pananakit ng katawan ng mga nababakunahan.
Gayunman nilinaw niya normal lamang na magkaroon ng adverse effect sa anu mang uri ng gamot o bakuna.
Samanatala, nanatiling kontrolado ang mga naitatalang kaso ng COVID 19 sa Australia .
Ayon pa kay Suede mayroon lamang silang 231 active case 48 ang nasa hospital at isa ang nasa ICU.
Nasa 28,629 ang total cases sa Australia na naitala ang kauna unahang kaso ng COVID 19 noong ikadalawampu’t lima ng enero 2020.
Sa ngayon ay nanatili sa hotel quarantine ang mga tinamaan ng COVID 19 kabilang na ang mga tinamaan ng bagong variant ng virus.
Dahil dito ay isinasailalim na ang lahat ng mga hotel Quarantine workers sa PCR test kada araw habang ang kanilang mga kapamilya ay sasailalim sa pagsusuri bawat linggo.
Maliba sa PCR test ay nagsasagawa na rin ng Genome Sequencing ang Australian Govenrment para sa contact tracing sa pamamagitan ng pagtukoy ng bar code ng isang virus.
Nagtatayo rin sila ng testing clinic kung saan natutukoy ang virus.





