
CAUAYAN CITY – Pinag-aaralan pa ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela ang ayudang maaaring maibigay sa mga hog raiser na naapektuhan na ng African Swine Fever (ASF).
sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Angelo Naui, provincial veterinary officer, sinabi niya na inihayag noon ng pamahalaang panlalawigan na magbibigay ng tulong pananalapi sa mga naapektuhan ng ASF maliban pa sa ayuda mula sa Department of Agriculture (DA).
Gayunman dahil sa COVID-19 pandemic ay muling pag-aaralan ng pamahalaang panlalawigan kung magkano ang pondong maaaring mailaan para sa tulong pananalapi.
Sa katunayan ay ang DA talaga ang nagbibigay ng ayuda sa mga hog raisers na isinailalim sa culling ang mga alagang baboy dahil sa ASF.
Gayunman nilinaw ni Dr. Naui na ang indemnification ay para lamang sa mga baboy na kukunin ng pamahalaang lokal at hindi kabilang dito ang mga baboy na namatay bago pa man makunan ng blood sample o bago nagsimula ang culling.
Muli siyang nagpaalala sa mga hog raiser na seryosohin ang pagpapatupad ngkanilang bio-security para maagapan o mapigilan ang pagpasok ng ASF virus sa kanilang babuyan.










