--Ads--

May mga bagong konstruksyon na namataan sa Yagong Island malapit sa Antelope Reef sa Paracel Islands, ayon sa satellite images na inilabas ng Reuters.

Ayon sa mga security analyst, posibleng bahagi ito ng radar o early warning facility na maaaring sumuporta sa mga pasilidad ng China sa Antelope Reef.

Ang Antelope Reef ay bahagi ng Crescent Group sa Paracel Islands, na nasa hilagang bahagi ng South China Sea at mas malapit sa Vietnam at Hainan, China. Hindi naman ito bahagi ng West Philippine Sea na karaniwang tinutukoy ng Pilipinas ngunit kabilang sa mga pinagtatalunang teritoryo ng Vietnam at China.

Batay sa satellite images, nagsimula ang konstruksyon noong Marso at Abril. Hindi pa malinaw ang eksaktong gamit ng mga bagong pasilidad.

--Ads--

Nauna nang iniulat na natapos ng China ang unang yugto ng konstruksyon sa Antelope Reef, na posibleng may malaking papel sa pagpapalakas ng presensya militar nito sa South China Sea.