--Ads--

Patuloy ang pananalasa ng bagyong Marce sa Northeastern Cagayan matapos maglandfall sa bahagi ng Sta. Ana.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa bisinidad ng Sta. Ana Cagayan.

May taglay ito na lakas ng hangin na 175km/h at pagbugso ng hanggang 240 km/h. Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 10km/h.

Sa ngayon nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal(TCWS) No. 4 sa northern portion ng Cagayan (Gonzaga, Santa Ana, Santa Teresita, Lal-Lo, Buguey, Aparri, Camalaniugan, Gattaran, Ballesteros, Allacapan, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Claveria, Santa Praxedes, Lasam) maging ang Babuyan Islands, northern portion ng Apayao (Santa Marcela, Luna, Flora, Calanasan, Pudtol), at northern portion ng Ilocos Norte (Pagudpud, Bangui, Vintar, Dumalneg, Adams, Bacarra, Pasuquin, Burgos).

--Ads--

Signal No. 3 naman sa Batanes, natitirang bahagi ng Cagayan, natitirang bahagi ng Apayao, natitirang bahagi ng Ilocos Norte, northern portion ng Abra (Tineg, Danglas, Lagayan, Lacub, San Juan, La Paz, Bangued), at northern portion ng Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo).

Signal No. 2 naman sa northern at central portions ng Isabela (San Pablo, Santa Maria, Divilacan, Tumauini, Maconacon, Cabagan, Santo Tomas, Quezon, Palanan, Ilagan City, Mallig, Delfin Albano, Quirino, San Mariano, Gamu, Roxas, Naguilian, Burgos, Reina Mercedes, Benito Soliven, Luna, Aurora, San Manuel, San Mateo, Alicia, Angadanan, City of Cauayan, Cabatuan), natitirang bahagi ng Abra, Kalinga, Mountain Province, northern portion ng Ifugao (Alfonso Lista, Aguinaldo, Mayoyao, Banaue, Hungduan), northern portion ng Benguet (Bakun, Mankayan), natitirang bahagi ng Ilocos Sur, at northern portion ng La Union (Sudipen, Bangar, Balaoan, Luna, Santol)

Signal No. 1 naman sa natitirang bahagi ng La Union, Pangasinan, natitirang bahagi ng Ifugao, natitirang bahagi ng Benguet, natitirang bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, northern at central portions ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora, Baler), northern portion ng Nueva Ecija (Carranglan), at northern portion ng Zambales (Santa Cruz, Candelaria)

Batay sa forecast track ng DOST-PAGASA kikilos ang bagyong Marce pakanluran lalabas sa Aparri Bay at inaasahan muli ang  landfall sa mainland Cagayan ngayong gabi. Lalabas naman ito sa West Philippine Sea bukas ng umaga.

Nagpapatuloy ang masungit na lagay ng panahon sa mga lugar na nakasailalim sa TCWS kaya maging maingat ang lahat lalo na ang mga malapit sa coastal areas dahil sa banta ng storm surge.

Sa pagdaan ng bagyo sa landmass inaasahan na ang paghina nito at hindi na inaasahan ang paglakas nito bilang super typhoon. Nakakaapekto sa sirkulasyon nito ang dry air intrusion na dulot naman ng northeasterly windflow.