Bahagyang lumakas ang Tropical Storm Maymay habang mabagal na kumikilos sa karagatan sa kanluran ng Ilocos Sur.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 160 kilometro kanluran-timog-kanluran ng Sinait, Ilocos Sur. Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 75km/h malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 90km/h.
Mabagal na kumikilos ang bagyo pahilagang-silangan.
Nananatili ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Ilocos Sur, northern at central portions ng La Union (Luna, Caba, Santol, Bauang, City of San Fernando, San Juan, Bagulin, Aringay, Bangar, San Gabriel, Burgos, Naguilian, Bacnotan, Sudipen, Balaoan), northwestern portion ng Pangasinan (Anda, Bolinao, Bani), southwestern portion ng Abra (Manabo, Pidigan, Langiden, Luba, Boliney, Sallapadan, Bucloc, Tubo, Villaviciosa, Pilar, Peñarrubia, San Isidro, San Quintin, Bangued, Bucay, Danglas, La Paz, Tayum, Lagangilang, Dolores, Licuan-Baay, Daguioman, San Juan), western portion ng Mountain Province (Besao, Tadian, Bauko, Sagada, Sabangan, Bontoc), at northwestern portion ng Benguet (Mankayan, Kapangan, Kibungan, Sablan, Bakun, La Trinidad, Tublay, Atok, Buguias).
Samantala, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Ilocos Norte, natitirang bahagi ng La Union, natitirang bahagi ng Pangasinan, Apayao, natitirang bahagi ng Abra, Kalinga, natitirang bahagi ng Mountain Province, Ifugao, natitirang bahagi ng Benguet, mainland Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, northern portion ng Zambales (Candelaria, Santa Cruz, Masinloc, Palauig), northern portion ng Tarlac (Mayantoc, San Clemente, Camiling, Santa Ignacia, Gerona, Paniqui, Moncada, San Manuel, Anao, Ramos, Pura, Victoria), northern portion ng Nueva Ecija (Carranglan, Lupao, Cuyapo, Talugtug, Nampicuan, Guimba, Science City of Muñoz, San Jose City, Pantabangan, Bongabon, Rizal, Llanera, Talavera, Santo Domingo, General Mamerto Natividad, Quezon, Licab), at northern and central portions ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Baler, San Luis, Maria Aurora).
Ayon sa PAGASA, posibleng mag-landfall ang Bagyong Maymay sa Ilocos Sur o La Union ngayong gabi o madaling araw ng Agosto 6. Matapos nito, tatawirin ng bagyo ang Hilaga at Gitnang Luzon.
Inaasahang mananatiling tropical storm ang Maymay bago tumama sa kalupaan, ngunit posibleng humina ito bilang tropical depression bukas ng umaga at maging low pressure area pagsapit ng hapon o gabi.











