--Ads--

CAUAYAN CITY Isinailalim sa calibrated total lockdown ang ilang bahagi ng tatlong barangay sa Santiago City matapos na makapagtala ng tatlong bagong kaso ng COVID-19.

Kinabibilangan ito ng Quezon Avenue Corner Tandang Sora Street at Donia Aurora Street ng Barangay Victory Norte, ilang bahagi ng Del Pilar Avenue ng Barangay Rosario at ilan ding bahagi ng Ramon Street, Fil Homes Subdivision sa Barangay Rizal.

Nagsimula ang calibrated total lockdown kahapon, ika-18 ng Nobyembre 2020 at magtatapos sa ika-21 ng Nobyembre 2020 sa bisa ng Executive Order No. 2020-11-03.

Kaugnay nito ay umabot na sa halos 170 ang naitalang kaso ng Covid-19 sa Santiago City.

--Ads--

Una sa tatlong bagong kaso ay si CV 3383, 22 anyos na residente ng Victory Norte, Santiago City, health care worker at walang kasaysayan ng paglalakbay ngunit nakasalamuha si CV 3308.

Ikalawa si CV 3384, 41 anyos na babae at residente ng barangay Rosario, Santiago City, health care worker, walang kasaysayan ng paglalakbay ngunit nakasalamuha si CV 3279.

Ikatatlo si CV 3385, 15 anyos na dalagita at residente ng Rizal, Santiago City, wala ring kasaysayan ng paglalakbay ngunit nakasalamuha si CV 3106.