--Ads--

CAUAYAN CITY – Natagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa boundary ng Alinam, Cauayan City at Del Pilar, Alicia, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa isang bystander, dakong alas-dose ng kaninang hatinggabi nang dumaan sila sa lugar at nakita nila ang isang sasakyan na nakatigil sa naturang bahagi ng daan.

Hindi nila inakala na may itatapong bangkay kaya hindi nila pinansin.

Kaninang umaga ay nalaman nilang may natagpuang bangkay sa naturang lugar kaya sila ay bumalik.

--Ads--

Aniya, madilim ang naturang lugar kapag gabi at wala rin silang narinig na putok ng baril.

Ang pahayag ng bystander

Samantala, sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PMaj. Ardee Tion, hepe ng Alicia Police Station na batay sa occular inspection ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), may tama ng baril sa balikat ang biktima.

Ayon sa mga nakatira malapit sa naturang lugar ay wala silang narinig kagabi na putok ng baril.

Sa ngayon ay patuloy pa nilang inaalam ang pagkakakilanlan ng biktima.

Nanawagan siya sa mga nakakita nang itapon ang katawan ng lalaki sa lugar na makipag-ugnayan sa kanilang himpilan para malutas ang krimen.

Ang lalaki ay may damit na kulay gray at kumbinasyon ng pula at itim ang kanyang short pants.

May taas siyang 5’’5, malaki ang katawan at batay sa pagtaya ay nasa 40 hanggang 45 ang edad.

Dinala sa Carbonel Funeral Homes sa Alicia, Isabela ang bangkay ng lalaki.

Ang pahayag ni PMaj Ardee Tion