CAUAYAN CITY– Kinuha na ng mga kamag-anak ang bangkay ni Renato Busania,ang Regional Military Staff Member ng Kilusang Rehiyon-Cagayan Valley.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMajor Prospero Agonoy, hepe ng San Agustin Police station, sinabi niya na kaninang umaga ng dumating sa isang punerarya sa Jones, Isabela ang mga kaanak at mga ka-barangay at kinumpirma na ang naturang bangkay ay ang maatas na lider ng NPA na si Renato Busania alyas Andong .
Batay sa kanilang mga nakalap na impormasiyon limang beses na umanong pinapalabas na namatay si Busania sa engkwentro subalit lumalabas na ibang tao ang napatay.
Sa ngayon ay mismo nang kanyang kapatid na si Renato Busania ang napatay ng mga sundalo at pulis sa Purok 7, Palacian, San Agustin, Isabela.
Samanatal, hindi naman matukoy ng may-ari ng bahay kung saan natagpuan at napatay ang lider ng NPA kung sino ang kasama nito ng magtungo sa naturang bahay kung saan naganap ang engkuwentro.
Ayon kay PMajor Agonoy, batay sa pahayag ng may-ari ng bahay hindi niya kilala ang lalaking kasama ni Busania na nakiusap sa kanya para payagan lider ng NPA na makitulog sa kanilang bahay.
Dahil sa pagkakapatay sa isang mataas na lider ng NPA sa naturang bayan ay mas panaigting pa ng San Agustin Police Station ang kanilang seguridad upang hindi malusutan ng mga kalaban ng pamahalaan.











