--Ads--

CAUAYAN CITY – Isang bangkay ng sanggol ang natagpuang palutang lutang sa ilog na nasasakupan ng barangay Buenavista, Santiago City

Ang bangkay ng sanggol ay nakita ng isang 9 anyos na batang mag-aaral na naligo sa nasabing ilog.

Sa salaysay ng mag-aaral, naliligo at lumalangoy sila ng kanyang mga kaibigan nang mayroong tila mabigat at matigas na bagay na dumagan sa kanyang likuran at nang tignan ay nagulat na lamang nang makitang isang patay na sanggol.

Kaagad nilang ipinagbigay alam sa mga opisyal ng kanilang barangay na nag-ulat sa himpilan ng pulisya .

--Ads--

Naniniwala ang mga otoridad na maaring itinapon na lamang sa ilog ng walang pusong ina ang nasabing sanggol.

Nagpapatuloy pa rin ang pagsisiyasat ng mga pulis upang matukoy ang nagtapon sa nasabing sanggol.