CAUAYAN CITY – Inaalam pa ng mga otoridad kung sino ang nagtapon sa bangkay ng isang bagong silang na sanggol na lalaki na natagpuang palutang-lutang sa irigasyon sa Purok 7, Alinam, Cauayan City.
Nakita ng mga residente sa nasabing barangay ang katawan ng sanggol dakos 4:00pm kahapon at agad na ipinabatid sa mga opisyal ng barangay.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Barangay Kagawad Antonio Ramos, sinabi niya na sa kanilang pagtaya ay bagong silang ang sanggol dahil hindi pa napuputol ang kanyang umbilical cord.
Aniya hindi matiyak kung kailan ito itinapon sa irigasyon ngunit bahagya na umanong nangangamoy ang bangkay.
Dinala sa isang punerarya na sa Alicia, Isabela ang bangkay ng sanggol.
Ayon kay Barangay Kagawad Ramos, sana ay makonsensiya kung sinuman ang ina ng sanggol at ang nagtapon sa kanya sa irigasyon.












