--Ads--

CAUAYAN CITY – Sasampahan ng kasong frustrated homicide ang barangay kapitan na bumaril sa isang pulis na nagsilbi ng mandamiento de aresto sa boundary ng  Malano at  Trinidad, Mallig, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCpt. Clarence Labasan, hepe ng Mallig Police Station, sinabi niya na matapos maganap ang shootout ay agad silang tumugon at naaresto si Barangay Kapitan Jolly Ladiero at sakay ng minamanehong tricycle na si Elesio Eclipse.

Nasamsam kay Ladiero ang isang Caliber 45 na baril.

Nasa maayos nang kalagayan ang nabaril na si PCpl Eduardo Santiago, 41 anyos, miyembro ng Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) na dinala sa isang pribadong ospital sa Cauayan City.

--Ads--

Inilipat naman ang nabaril ding si Ladiero sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City.

Dakong alas diyes ng umaga kahapon, October 8, 2020 nang isilbi ng grupo ni PCpl Santiago ang mandamiento de aresto laban kay Ladiero sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act of 2002.

Ayon kay PCpt Labasan, lumabas sa kanilang imbestigasyon na pinara ng mga magsisilbi ng mandamiento de aresto ang tricycle na minamaneho ni Ladiero sa daan sa barangay Manano ngunit nang malaman na aarestuhin ay bumunot ng baril si Ladiero at pinaputukan si PCpl Santiago na nakaganti ng putok at binaril ang barangay kapitan.

Ang pahayag ni PCpt Clarence Labasan.