--Ads--
Nagsagawa ng airstrikes ang militar ng Estados Unidos nitong Lunes sa Southern Iran laban sa ilang target, kabilang ang mga bangkang umano’y nagtatangkang maglatag ng mga mina at mga missile launch site, ayon sa pahayag ng US military.
Inilarawan ng US Central Command (CENTCOM) ang mga pag-atake bilang depensibong aksyon upang protektahan ang kanilang mga tropa laban sa mga banta mula sa puwersang Iranian.
Ayon kay Navy Captain Tim Hawkins, tagapagsalita ng CENTCOM, patuloy nilang ipinagtatanggol ang kanilang mga tropa habang nagpapakita ng pagpipigil sa gitna ng nagpapatuloy na tigil-putukan.
Sinabi rin ng militar ng US na ang mga strike ay isinagawa bilang “defensive actions” at hindi bilang pagpapalawak ng tensyon sa rehiyon.
--Ads--
![US attacks iranian boats]](https://img.bomboradyo.com/cauayan/2026/05/US-attacks-iranian-boats-696x392.webp)










