--Ads--
Police line tape

CAUAYAN CITY – Kusang sumuko sa himpilan ng pulisya ang isang barbero na nakapatay sa kanyang kapatid sa ina sa Zone 1, San Mariano, Isabela.

Ang napatay ay si Rosito Limbauan, 40 anyos habang ang suspek ay si Jerry Magas, 27 anyos, may-asawa, barbero, kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PMaj. Fedimer Quitevis, hepe ng San Mariano Police Station na ang suspek ay boluntaryong sumuko sa kanilang himpilan kasama ang kanyang ina at isang opisyal ng barangay.

Batay aniya sa salaysay ni Magas, dumating ang kanyang kapatid na si Rosito sa kanilang bahay na lango sa alak at nagwawala.

--Ads--

Inawat umano ni Magas si Limbauan ngunit pinalo siya sa ulo,

Naagaw umano ni Magas ang kahoy at ipinalo sa ulo ng kanyang kuya na si Rosito.

Dinala sa ospital sa Tuguegarao City ang biktima ngunit binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Bagamat walang balak na magsampa ng kaso ang pamilya ni Limbauan ay sasampahan pa rin siya ng kasong homicide ng San Mariano Police Station.