--Ads--

Hindi pabor ang Election Watchdog na Kontra Daya sa pagpapatawag ng kongreso sa ilang mga social media influencer na umanoy nagpapakalat ng fake news at disinformation.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Prof. Danilo Arao, convenor ng Kontra Daya, sinabi niya pwedeng I-weaponize ang fake news para supilin ang malayang pamamahayag ngunit iginiit naman niya na hindi legislative intervention ang solusyon upang malabanan ang fake news kundi pagpapalakas sa self regulatory atmosphere sa media at mamamayang Pilipino.

Nangangahulugan ito ng pagpapalakas sa media literacy at media education para maisagawa ang responsible gatekeeping sa media content sa publiko.

Hindi aniya dapat magkaroon ng batas na magkokontrol sa media content kahit pa sabihing disinformation ang ipinapakalat nito dahil maaring pati ang satire at parody information ay sasabihing fake news.

--Ads--

Ang papel aniya ng gobyerno ay wakasan ang red tagging laban sa mga mamamahayag at media organizations at I-abolish ang NTF-ELCAC.

Maganda naman umano ang intensyon ng Ani-Fake News Law ngunit tila magiging Anti-Terrorism Law rin ito na kapag masyadong malawak ang scope nito sa pekeng balita ay maaring papabor sa interes ng mga mayaman at makapangyarihang personalidad.

Mas mabuti aniyang I-decriminalize na lamang ng pamahalaan ang libel at cyber libel para sa legislation ng Anti Fake News Law.