--Ads--

Ibinahagi nina Bela Padilla at tech CEO na si Martin Tan ang kuwento kung paano sila nagkakilala at ang mga bagay na hinahangaan nila sa isa’t isa.

Sa panayam sa TikTok ng “Johnny K | Meet Cutes Manila,” sinabi ng dalawa na ipinakilala sila ng isang mutual friend at agad silang nag-click dahil pareho silang mahilig sa pelikula.

Ayon kay Martin, walong buwan na silang magkasintahan. Hinahangaan naman niya kay Bela ang kanyang talino, pagiging nakakatawa at ang kagandahan nito.

Para naman kay Bela, gusto niya kay Martin ang pagiging game nitong sumubok ng iba’t ibang bagay, kabilang ang pagpunta sa mga palengke kahit maaga. Pinuri rin niya ang hitsura ng kanyang boyfriend.

--Ads--