Bagama’t sinasabing nabawasan ang mga kaibigan ni Bela Padilla, tila may bagong pag-ibig naman sa kaniyang buhay.
Usap-usapan ngayon ang umano’y bagong karelasyon ng aktres na si Martin Tan, isang tech entrepreneur. Ayon sa mga ulat, madalas umano nitong sunduin si Bela kapag may mga showbiz engagement ang aktres.
May ilang netizens din na nagbahagi ng mga larawan na magkasama ang dalawa. Sa isang kuha, makikitang nakasuot si Bela ng dark blue na hooded sweatshirt at may dalang dark green na tote bag, habang ang lalaking kasama niya ay naka-white polo shirt at may hawak na bouquet ng mga bulaklak.
Mas naging kapansin-pansin pa ang kanilang closeness dahil makikitang nakahawak umano ang lalaki sa beywang ng aktres.
Samantala, napag-uusapan din ang sinasabing pagkakalayo ni Bela kay Kim Chiu, gayundin ang umano’y hindi magandang pagtatapos ng kanilang proyekto ni Barbie Imperial.










