Nakapagpanumpa na ng katapatan sa Pilipinas si Bennie Boatwright bilang bahagi ng proseso ng kaniyang naturalisasyon upang maging eligible sa Gilas Pilipinas.
Ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), ang susunod na hakbang ay ang pagproseso ng Philippine passport ng 30-anyos na forward na kasalukuyang naglalaro para sa Fujian Sturgeons sa Chinese Basketball Association.
Kapag nakumpleto ang naturalisasyon, maaari nang isama si Boatwright sa Gilas para sa mga international tournament.
Sa kasalukuyan, nasa ikalimang puwesto ang Pilipinas sa Group E ng Asian Qualifiers para sa FIBA Basketball World Cup, taglay ang 4-4 win-loss record.
Makakaharap ng Gilas ang Syria at Iran sa susunod na qualifying window sa Nobyembre sa Seremban, Malaysia. Maaari ring maging karagdagang opsyon si Boatwright sa reinforcement spot ng koponan.











