--Ads--
Umakyat na sa siyam ang bilang ng mga nasawi sa pamamaril sa isang paaralan sa Thailand matapos pumanaw nitong Sabado ang isang 12-anyos na batang babae na nadamay sa insidente.
Ayon sa pulisya ng Plai Bang Police Station sa lalawigan ng Nonthaburi, namatay ang bata isang araw matapos ang pamamaril na isinagawa umano ng isang 14-anyos na binatilyo.
Sa ulat, una umanong pinaslang ng suspek ang kanyang mga lolo’t lola bago nagtungo sa kanilang paaralan kung saan nakapatay pa siya ng limang katao.
Matapos ang insidente, binaril din umano ng suspek ang kanyang sarili at nasawi.
--Ads--
Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang motibo sa likod ng nasabing pamamaril.











