--Ads--

Umakyat na sa 61 ang naiulat na nasawi sa magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa ilang bahagi ng Mindanao noong Hunyo 8, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).

Sinabi ng OCD na patuloy pa ang beripikasyon sa mga pagkakakilanlan ng mga nasawi, ngunit nakumpirma na ang bilang ng mga nakuhang bangkay.

Bumaba naman sa 33 ang bilang ng mga nawawala mula sa naunang 40, habang umabot na sa 1,221 ang mga naitalang sugatan.

Ayon sa OCD, kabilang sa bilang ng mga sugatan ang mga indibidwal na nagpakonsulta dahil sa pagkahilo, trauma, at iba pang epekto ng lindol. Sa Region 12, mahigit 500 kaso na ang naitala, karamihan ay mga estudyanteng nakaranas ng pagkahilo at matinding takot matapos ang pagyanig.

--Ads--

Patuloy ang mga operasyon ng mga awtoridad para sa paghahanap sa mga nawawala at pagtulong sa mga komunidad na naapektuhan ng kalamidad.