--Ads--

CAUAYAN CITY – Aabot na sa isang bilyong piso ang nawala sa larangan ng Torismo ng Tagaygay City matapos isara sa mga turista ang mga maaring pasyalan malapit sa bulkang Taal dahil sa pagsabog ng bulkan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni G. Jovener Dupilas, spokesman ng Regional Disaster Risk Reduction Management Council Calabarzon na patuloy ang kanilang isinasagawang assessment sa mga nasira ng pagptuok ng Bulkang Taal.

Sa ngayon ay sarado sa mga turista ang mga tourist spot malapit sa Taal Volcano subalit bukas na sa mga turista ang Tagaytay City.

Tinig ni Jovener Dupilas, spokesman ng RDRRMC CALABARZON

Umaasa naman sila na makakabawi rin ang Batangas sa larangan ng Torismo pangunahin na ang Tagaytay City.

--Ads--