CAUAYAN CITY – nadakip sa isinagawang anti Illegal drug buybust operation ang isang vendor matapos na maaktuhang nagtutulak ng umanoy marijuana sa Barangay Homestead, Bambang, Nueva Vizcaya.
Ang suspect ay si Byron Lampa, 25 anyos, binata at pansamantalang naninirahan sa nabanggit na lugar.
Magkatuwang ang mga kasapi ng Nueva Vizcaya Provincial Drug Enforcement Unit, Municipal Drug Enforcement Unit sa ilalim ng Bambang Police Station at PDEA Region 2 na nagsagawa ng operasyon at matagumpay na nakabili ang police Poseur Buyer ng isang pakete ng hinihinalang dahon ng Marijuana sa pinaghihinalaan kapalit ng drug buybust money.
Nakuha rin sa pag-iingat ng suspect ang apat pang sachet ng hinihinalang Marijuana at SUV na ginamit nito sa transaksyon.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 ( Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) si Lampa na kabilang sa High Value Individual List ng mga otoridad na dati nang nasangkot sa ibang kaso.











