--Ads--

CAUAYAN CITY – Arestado ang isang binata na kabilang sa Directorate for Intelligence (DI) watch list matapos maaktuhang nagtutulak ng iligal na droga sa San Vicente, City of Ilagan.

Ang pinaghihinalaan ay si Christian Rampas, 19-anyos, binata at residente ng Brgy. Calamagui 1st, City of Ilagan.

Naaresto ang pinaghihinalaan sa isinagawang Anti-illegal drug buy bust operation ng mga kasapi ng City of Ilagan Police Station.

Ito ay matapos matagumpay na makabili ang nagpanggap na poseur buyer sa suspek ng isang natuping papel na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng Marijuana.

--Ads--

Bukod dito ay nasamsam din sa pag-iingat ni Rampas nang siya ay kapkapan ang isang coin purse na naglalaman ng limang daang piso na ginamit sa transaksyon at isang cellphone.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang pinaghihinalaan.