--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang binata matapos na magpatiwakal dahil sa problema sa pag-ibig.

Ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti ay si John Gabriel De Francia, 20 anyos, residente ng Baretbet, Bagabag Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO), nakatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen ang Bagabag Police Station hinggil sa pagpapakamatay ng isang binata.

Sa pagtugon ng mga miyembro ng Bagabag Police Station ay naabutan nila ang binata na nagbigti gamit ang nylon chord.

--Ads--

Idinaan ni De Francia sa social media ang kanyang pagpapaalam sa pamamagitan ng ginawa niyang video.

Batay sa video, problema sa pag-ibig ang nagtulak umano sa binata para wakasan ang kanyang buhay.

Nakuha sa silid ng binata ang isang cellphone at isang diary notebook na ginawa niyang diary.

Wala namang nakikitang foul play ang mga pulis sa pagkamatay ni De Francia.