--Ads--

Inihayag ni Senate President Alan Peter Cayetano na sinusubukan umano ng Senate minority na kumbinsihin ang ilang miyembro ng mayorya na lumipat sa kanilang hanay.

Sa isang press conference nitong Huwebes, inihayag ni Cayetano na abala umano ngayon ang minorya sa pakikipag-usap sa ilan nilang kasamahan upang muling sumama sa kanilang grupo.

Ayon kay Cayetano, inaasahan na nila ang ganitong hakbang, kabilang na umano ang mga paanyayang makipag-usap at maging pananakot.

Gayunman, iginiit niyang hindi na bago ang ganitong sitwasyon sa Senado.

--Ads--