--Ads--

Nakataas ang Luzon Grid sa Red Alert status mula alas-3:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi ngayong May 15, 2026, habang Yellow Alert naman sa mga oras na 1:00–3:00 ng hapon at 10:00–11:00 ng gabi.

Ayon sa monitoring ng NGCP, may available capacity na 13,508MW ngunit mas mataas ang peak demand na umabot sa 13,881MW, dahilan ng kakulangan sa suplay ng kuryente.

Iniulat din na 16 power plants ang naka-forced outage, habang ilan pa ang matagal nang offline mula pa noong 2024 at 2025, at 14 pang planta ang gumagana sa derated capacity, na may kabuuang 4,160MW na hindi magagamit ng grid.

Samantala, naibalik na ang operasyon ng Tayabas–Ilijan 500kV Line at Dasmariñas–Ilijan 500kV Line noong Mayo 13, habang hinihintay pa ang resynchronization ng ilang planta sa grid.

--Ads--

Ipinaliwanag ng NGCP na nagkakaroon ng red alert kapag hindi sapat ang supply ng kuryente para tugunan ang demand, habang yellow alert naman kung kulang ang operating margin para sa contingency requirement.