--Ads--

CAUAYAN CITY– Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Illegal Possession of Firearms) ang isang tricycle driver matapos masamsam sa kanyang pag-iingat ang baril sa isang checkpoint.

Ang suspect ay si Hendrick Padilla alyas “Rick”, 38 anyos , binata, tricycle driver at residente ng Roxas, Solano, Nueva Vizcaya.

Habang nagsasagawa ng Oplan Bakal -Oplan Sita ang mga kasapi ng Intelligence Operatives ng Solano Police Station ay nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa pagdadala ng baril ni Padilla.

Ayon sa nagsumbong sa pulisya ipinakita umano ng suspect sa kanila ang baril nito .

--Ads--

Pinara si Padilla sa isang checkpoint at nakuha sa kanyang pag-iingat ang Caliber 45 pistol.

Walang maipakitang doukmento ng baril ang suspect kaya dinala sa Solano Police Station.