--Ads--

CAUAYAN CITY– Kapansin pansin na mabili ngayong panahon ng COVID 19 ang mga bisekleta sa San Mateo,Isabela.

Nagkakahalaga ang mountain bike ng mula P7,500.00 hanggang P9,500.00 .

Nagkakahalaga naman ng P25,000.00 ang pinakamahal na mountain bike sa nasabing bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ng itinago sa pangalang M-Jay, nagtitinda ng mountain bike na napansin nilang marami na ang bumibili ng bisikleta sa kanilang tindahan.

--Ads--

Pinapayuhan din nila ang mga bumibili na bisikleta na kailangan din nilang bumili ng helmet bilang proteksiyon pangunahin na sa kanilang ulo.

Ang pinakamurang panindang helmet at P600.00 .

Ang binibiling mga bisikleta ay maaaring gamitin ng mga bumibili na masakyan sa pagpasok sa kanilang trabaho o di kaya ay magagamit kapag bumili ng mga mahahalagang pangangailangan.

Tinig ni M-Jay, nagtitinda ng bisikleta

Magugunitang karamihan ng mga bayan at lunsod sa Isabela ay nagpapatupad ng number coding scheme sa mga namamasadang tricycle at iisa lamang ang maaring isakay.