--Ads--

CAUAYAN CITY  – Inamin ni Ginang Maria Concepcion Toda na bagamat maraming taon na ang lumipas ay masakit pa rin sa kanya ang pagkamatay ng kanyang mister na si Lt. Rosauro Danao Toda Jr. sa naganap pananambang ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na nauwi sa engkuwentro noong 1988 sa Dicamay 2, Jones, Isabela.

Ginawa ni Ginang Toda ang kanyang pahayag sa kanyang pagsasalita sa seremonya ng pagpapalit sa pangalan ng provincial headquarters ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) bilang Camp Lt. Rosauro D. Toda Jr.

Pinasalamatan  ni Ginang Toda si PNP Chief PGen  Camilo  Cascolan na nanguna sa pagkilala sa kabayanihan at kagitingan ng yumaong asawa.

Sina Lt. Toda at PGen Cascolan ay naging magkaklase sa Philippine Military Academy (PMA) Sinagtala Class at nagtapos sila noong 1986.

--Ads--

Sinabi ni Ginang Toda na noong namatay ang kanyang mister ay hindi siya handa lalo na’t pitung buwan  niyang ipinagbubuntis ang kanilang anak na babae.

Sinabi niya na 25 anyos lamang noon ang kanyang mister at napakasakit ang pangyayari dahil lumaki ang kanyang anak na walang nagisnang ama.

Siya ay nagpakatatag para sa kanyang pamilya at nagpapasalamat na maraming umalalay at sumuporta sa kanilang pamilya.

Nagbigay sa kanya ng inspirasyon at comfort na isinakripisyo ng kanyang asawa ang buhay para sa kapayapaan at kapakanan ng bansa.

Ang bahagi ng naging talumpati ni Gng Maria oncepcion Toda.