--Ads--

Kumpiyansa si Bennie Boatwright na maibabalik sa tamang direksyon ang kanyang naturalization process kasunod ng kanyang pagbabalik sa Pilipinas.

Muling naglaro ang import para sa San Miguel Beermen sa PBA 50 Commissioner’s Cup at agad nagpakitang-gilas sa kanyang unang laban matapos umiskor ng 41 puntos at 11 rebounds kontra NLEX.

Layunin ng naturalization ni Boatwright na maging kwalipikado siyang makapaglaro para sa Gilas Pilipinas. Sinimulan ang proseso noong 2024 sa pamamagitan ng panukalang batas na inihain ni dating Senador Sonny Angara, ngunit naantala matapos ang kanyang Achilles injury at ilang isyu sa kanyang pagdalo sa pagdinig sa Senado.

Ayon kay Boatwright, patuloy siyang umaasa at naghahanda habang hinihintay ang susunod na hakbang sa proseso.

--Ads--