--Ads--

Nasunog ang isang bodega ng samu’t saring paninda sa Purok 4, Barangay Alinam, Cauayan City, Isabela, particular sa tapat ng 2nd Provincial Mobile Force Team, bandang alas-1 ng hapon, Oktubre 5.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo News Team sa Bureau of Fire Protection (BFP) Cauayan City, posibleng nagsimula ang apoy sa mga tuyong dahon na nasa paligid ng bodega.

Posible rin umanong nakadagdag sa mabilis na pagkalat ng apoy ang matinding init ng panahon.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng BFP Cauayan City upang apulahin ang apoy at pigilan ang paglawak nito sa mga kalapit na establisyimento at kabahayan.

Batay sa paunang impormasyon, tinatayang nasa ₱50,000 ang halaga ng mga panindang nasunog sa bodega.

Patuloy namang inaalam ng BFP ang eksaktong pinagmulan ng sunog at kabuuang halaga ng pinsala.