--Ads--
Nananatiling akusado sa kasong graft si dating Department of Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan matapos ibasura ng Sandiganbayan Second Division ang mosyon ng prosekusyon na alisin siya sa kaso.
Iniuugnay si Bonoan sa umano’y ₱213 milyong kickback mula sa mga flood control project sa Bulacan.
Ipinabatid ito ng anti-graft court sa isinagawang pre-trial conference sa graft case na kinakaharap ni Bonoan kasama si Senator Jinggoy Estrada.
Hiwalay naman ito sa plunder case laban kay Bonoan, kung saan pinayagan ng Sandiganbayan Fifth Division na alisin siya bilang co-accused at maging state witness.
--Ads--











