--Ads--
Muling tinawag si Brazilian superstar Neymar sa national team ng Brazil para sa 2026 FIFA World Cup, matapos ang halos tatlong taong pagkawala sa squad.
Kasama si Neymar, na all-time leading scorer ng Brazil na may 79 goals sa 128 appearances, sa 26-man lineup na inihayag ni coach Carlo Ancelotti sa Rio de Janeiro.
Ito ang unang pagkakataon na muling makakabalik ang 34-anyos na dating Barcelona at PSG star mula nang ma-injure sa World Cup qualifier noong 2023.
Ayon kay Ancelotti, nakitaan ng pagbuti ang kondisyon ni Neymar at itinuturing itong mahalagang bahagi ng koponan sa kanilang kampanya sa World Cup sa United States, Canada, at Mexico.
--Ads--











