--Ads--
Nanguna sa Netflix ang comeback concert ng Kpop group na BTS sa Gwanghwamun Square sa Seoul, South Korea sa maraming bansa matapos itong istream online.
Nasa top 10 ang show sa Netflix sa 92 bansa at nanguna sa 77, kabilang ang Pilipinas, Estados Unidos, South Korea, at United Kingdom.
Pinanood ito ng milyon-milyong fans sa buong mundo, bilang bahagi ng kanilang comeback matapos ang ilang taong hiatus at may kasamang bagong performances.
Malaki rin ang crowd sa Seoul, na itinuturing na isa sa pinakamalaking concert audience sa nakalipas na dekada.
--Ads--
Ang “BTS The Comeback Live | Arirang” ay muling nagpatunay ng malakas na global support sa kanilang pagbabalik at sa bagong yugto ng kanilang musika.





