--Ads--
Pinayagan ng Senado na isabay sa plenary sessions ang mga pagdinig at pulong ng Senate Committee on Finance kaugnay ng panukalang 2027 national budget.
Inaprubahan ng Mataas na Kapulungan ang mosyon ni Senate Majority Leader Migz Zubiri na suspindihin ang Rule 14 ng Senado na nagbabawal sa pagsasabay ng plenary session at committee hearings o meetings.
Dahil dito, hindi mamarkahang absent ang mga senador na dadalo sa mga pagdinig ng budget kahit kasabay ito ng plenary session.
Samantala, sinabi ni Zubiri na mananatiling bawal ang pagsasabay ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa anumang committee hearing, kabilang ang budget hearings, dahil kinakailangang laging naroroon ang mga senator-judge sa paglilitis.
--Ads--











