Nasakop na umano ng Iran-backed Houthi rebels ang buong baybayin ng Yemen sa Red Sea at tatlong estratehikong isla, kabilang ang Mayyun Island, matapos ang isang linggong opensiba.
Ayon sa mga opisyal ng Yemen, nakuha ng Houthis ang bahagi ng Bab al-Mandeb Strait, mahalagang daanan ng mga barko na nag-uugnay sa Red Sea at Suez Canal.
Mahigit 500 katao na ang nasawi at nasa 46,000 ang napilitang lumikas dahil sa opensiba, ayon sa mga sources at UN migration agency.
Samantala, isinara ng Saudi Arabia ang East-West oil pipeline nito matapos ang ilang pag-atake, habang patuloy na tumataas ang presyo ng langis na lumampas na sa 100 dolyar kada bariles.
Nagbabala naman ang mga opisyal na maaaring lumala ang epekto ng labanan sa pandaigdigang kalakalan at shipping sa rehiyon.











