--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ng mga kasapi ng Alicia Police Station katuwang ang San Mariano Police Station ang isang Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) Member na number 2 most wanted person municipal level dahil sa kasong panggagahasa.

Ang akusado ay si Angelito Amistoso, 18-anyos, binata, CAFGU Member at residente ng San Jose, San Mariano, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office, ang akusado ay dinakip sa 95th Infantry Batallion, Zone 1, San Mariano, Isabela matapos isilbi ng mga kasapi ng Alicia Police Station at San Mariano Police Station ang madamiento de aresto na inilabas ni Hukom Raul Babaran ng RTC branch 19, Cauayan City dahil sa kasong panggagahasa na walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon, dinala na sa Alicia Police Station ang akusado para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

--Ads--