--Ads--
Huling isinama ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone si Calvin Oftana sa roster para sa pagtatanggol ng gintong medalya ng Pilipinas sa Aichi-Nagoya Asian Games.
Una umanong nag-alangan si Cone dahil sa mga injury ni Oftana na naging dahilan upang ma-miss nito ang huling dalawang FIBA Asian Qualifiers windows.
Gayunman, nakabalik na sa ensayo ng TNT si Oftana at idineklarang handa nang maglaro.
Malaking bentahe rin umano ang kaniyang pagiging pamilyar sa sistema ni Cone at karanasan sa Asian Games, matapos maging bahagi ng gold-medal squad ng Pilipinas sa Hangzhou noong 2023.
--Ads--
Si Oftana ang tanging holdover mula sa naturang koponan matapos ma-rule out si Justin Brownlee sa Asian Games.











